Abante Tonite Interactive

ASEAN kapit-bisig sa anti-plastic campaign

0 201

Isusulong ng mga leaders ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagdeklara ng war against marine debris o ang kampanya laban sa mga kalat na tulad ng plastik na itinatapon sa dagat, ilog at sapa.

Layunin nito na mapansin ang mga nagiging epekto ng mga kalat sa karagatan na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga lamang-dagat na tulad ng isda, pagong, balyena at pating na nakakakain ng mga plastic at iba pang kalat.

Naging concern kasi ang mga lider ng iba’t ibang bansa sa pagtaas ng lebel ng marine debris partikular na ang mga plastic na basura na kung saan ay lubos na apektado na ang karagatan sa mga plastic na basura na nagiging sanhi ng marine biodiversity, ecosystems, animal well-being, fisheries, maritime transport, recreation at tourism, local societies and economies.

Kailangan nang kumilos at mapalakas ang kampanya upang malaman na lumalala na ang microplastics at nanoplastics sa marine ecosystem, food safety and human health na malaman na ikasira ng karagatan at ikamatay ng mga lamang-dagat na apektado din ang mga tao na kumakain ng isda.

Naganap ang kasunduan sa pagdiriwang ng 24th ASEAN Summit na dinaluhan ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa na tinatawag na Bangkok Declaration on Combatting Marine Debris in ASEAN Region.

Nagkasundo naman ang mga li­der ng bansa at nangakong magtutulungan para mapalakas ang kampanya at mabawasan ang anumang bagay na ikasisira ng karagatan at mabawasan ang mga marine debris, partikular na mula sa land-based activities na gawa ng tao.

Inihikayat ang pagtatag ng “An integrated land-to-sea approach to prevent and reduce marine debris”, na magpapalakas sa national laws and regulations.

Kaugnay nito ay makikipag-ugnayan din ang mga ASEAN leaders sa private sector engagement and investment para mapangalagaan ang karagatan kasabay ng pagpapatupad ng reduction, reuse and recycling of plastics. (Vick Aquino)