Abante Tonite Interactive

Asean Sports Day sa LSP – Balunan

170

Pinagdiwang ng bansa ang pagiging miyembro sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagsasagawa ng mga napagkasunduan na aktibidad sa sports sa inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN Sports for Free Linggo ng umaga sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila.

Nagtulungan sina ASEAN Sports Day head Michelle Balunan, at PSC LSP-PNLSF area coordinator Julia ‘Dhole’ Llanto sa pagtataguyod sa pakikipag-kaibigan sa mga kalapit bansa sa pamamagitan ng pag-obserba sa mga aktibidad sa ASEAN Work Plan on Sports 2016-2020.

‘Di napigil ng ulan ang pagsali ng kabuuang 73 katao sa kambal na aktibidad kung saan kahit na naputol ang pagsasaya ay dinaluhan pa rin ang arnis ng 2 katao, 1 sa badminton, 3 sa chess , 18 sa taekwondo, 2 sa volleyball, 39 sa zumba (39) at 10 sa sepak takraw.

“Being a member and part of the ASEAN countries, we have a commitment to help in the programs formulated at isa po dito ang pagtulong natin bilang national government sports agency sa international program and activities,” pahayag ni Balunan.

Unang napagkasunduan ng mga ASEAN sports officia ang five-year work plan sa pagtakda sa Agosto 8 bilang pagsisimula ng tinaguriang ASEAN Sports Day.

Inindorso ang aktibidad sa 6th ASEAN Senior Officials Meeting on Sports (SOMS-6) nitong Setyembre 27, 2017 sa Kuala Lumpur bilang parte sa ASEAN Work Plan on Sports 2016-2020 at opisyal na itinakda ang ASEAN Day (Agosto 8) bilang ASEAN Sports Day rin. (Lito Oredo)

16 Asean caption:

Ilan sa bumahagi sa zumba ng Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN Sports for Free 2019 Linggo ng umaga sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila.