Abante Tonite Interactive

Asean sr hoops: Poblete, FCVBA nakabalik sa trono

0 93

Sa likod ng 27 points ni dating Philippine Basketball Association player Benjie Poblete, sinungkit ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) ang korona para sa 65-and-above via sweep nitong Sabado sa 19th ASEAN Veterans Basketball Tournament 2019 sa Indoor Stadium 3 ng Chiang Mai Sports Complex sa Thailand.

Kasama sa pabibo ni Poblete ang ginawang 3-point play na bumasag sa 50-all tungo sa pagtimbog ng Fil-Chi cagers sa sumira sa kanilang grand slam sa nakalipas na taon, 2018 titlist Hat Yai Thailand, 54-50, para sa fourth straight victory.

Patungo sa pagbabalik sa trono, tinambakan ng FCVBA quintet ang Zaap Thais sa semifinals nitong Huwebes, 76-46, makaraang walisin ang Group B eliminations ang Asaba Indonesia, 30-21, at ang Sarawak Malaysia, 47-26.

Kahit abante ng 9 points ang kalaban sa midway ng payoff period, bumutas ng 16-3 run ang Fil-Chinese seniors na nagbigay sa kanila ng titulo sa torneo. Sa­lamat sa magandang pinakita roon nina Poblete, guard Andrew Ongteco at Antonio Go.

“What a win it was, dumaan kami sa butas ng karayom,” pahayag ni Terry Que na ‘di nakapag-ambag ng puntos dahil sa malupit na depensa ng Hat Yai.
“That’s resilience, we did not give up,” dagdag naman ni Jim Lim bilang papuri kay Poblete. (Aivan Episcope)