Abante Tonite Interactive

Asec Buenafe, BuCor OIC

0 201

Iniluklok ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra si Assistant Secretary at Deputy Director General Melvin Ramon G. Buenafe bilang officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa inilabas ni Guevarra na Department Order 469, si Buenafe ang pansamantalang magiging kapalit ng sinibak na si dating BuCor chief Nicanor Faeldon.

Gayundin, bumuo rin si Guevarra ng komiteng pamumunuan ni DOJ Undersecretary Deo L. Marco, Assistant Secretaries Neal V. Bainto at George Ortha II para magpatupad ng close administrative supervision sa BuCor.

Sila ay mananatili sa BuCor hanggang hindi pa nakakapili si Pangulong Rodrigo ng bagong BuCor director general. (Juliet de Loza-Cudia)