Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ASF kumakalat sa Catanduanes

0 61

Panibagong dagok ngayon ang kinakaharap ng ilang bayan sa lalawigan ng Catanduanes dahil matapos salantain ng bagyo, dinale naman ito ng African Swine Fever (ASF).

Sa lumabas na ulat, sinabi ni Catanduanes Governor Joseph Cua na limang bayan sa kanila ay tinamaan ng ASF ang alaga nilang mga baboy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa mga bayang dinapuan ng ASF ay Bato, San Andres, San Miguel, Viga at Virac kung saan Dis.7 pa ani Cua ay naiulat nang nasawi ang ilang baboy sa lalawigan.

Posible aniyang nahawaan lang ang kanilang alaga ng mga pinuslit na infected na baboy sa kanilang lalawigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.