Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ASF kumalat sa Cagayan

0 40

Apat na bayan sa Cagayan ang may naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Cagayan Veterinary officer Dr. Noli Buen, ang pagkalat ng ASF sa apat na munisipalidad ay kumpirmado ngunit hindi muna pinangalanan.

Sinabi ng opisyal na apektado ang 1,411 hog farmers habang isinailalim sa puwersahang pagpatay sa 5,500 alagang baboy.

Gayunman ay ‘under control’ na aniya ang sitwasyon ng ASF sa apat na lugar. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.