Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ASF kumalat sa kawalan ng quarantine

0 270

Sinisingil ng isang grupo si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa kawalan ng quarantine facility para sa mga imported agricultural product kahit pa naglaan na ng P2 bilyon ang Office of the President para dito.

Inilaan ang pondo para sa pag-iinspeksyon ng mga imported pork at agricultural product bago ito ibenta sa merkado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), kung ano ang higpit ng DA sa pagbiyahe ng mga ani ng mga magsasaka at at katay ng mga magbababoy ay maluwag naman ito sa mga imported agricultural product na siyang pinanggagalingan ng mga sakit na sumasalanta ngayon sa bansa tulad ng African Swine Fever (ASF).

Sinisisi ng SINAG sa kawalan ng quarantine at inspection facility kaya kumalat ang ASF sa bansa na siyang nagpataas sa presyo ng baboy. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.