Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ASF lumawak apektadong lugar sa Luzon, Mindanao

0 243

Inanunsiyo ng Bureau of Animal Industry (BAI) na bumaba na ang mga kaso ng baboy na apektado ng African Swine Fever (ASF) subalit lumawak naman umano ang lugar na sinalanta nito.

Sa presentasyon ni BAI director Dr. Reildrin Morales sa pagpapatuloy ng joint hearing ng House committee on agriculture and food at trade and industry, lumitaw na mula sa 360 kaso noong Disyembre 2020 ay bumaba ito sa 358 nitong Enero, 294 nitong Pebrero at 62 na lamang ngayong Marso.

Gayunpaman, aminado si Morales na ngayong buwan ng Marso bagama’t bumaba na ang kaso lumawak naman ang lugar na apektado ng ASF na umabot sa Luzon at ilang lalawigan sa Mindanao kumpara noong Marso 2020 kung saan ang ASF infected zone lamang ay ang Central Luzon, Southern Luzon at sa Davao region sa Mindanao.

Tiniyak naman ni Morales na patuloy ang kanilang pagkilos para magkaroon ng zero case ng ASF sa bansa. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.