Abante Tonite Interactive

ASF positive: Mass killing sa mga baboy ng QC

352

Matapos na mag-positibo sa African Swine Fever (ASF) ang 11 baboy na natagpuang patay na lumulutang sa ilog sa ­Barangay Bagong Silangan, ­Quezon City, agad na inaksiyunan na pamahalaang lokal ang ­‘culling o killing operation’ sa mga baboy upang maiwasan ang paglaganap ng impeksyon sa lungsod nitong Linggo, ­Setyembre 15.

Bilang ‘standard protocol’ sa pagkakaroon ng ‘animal disease outbreak’, ang mga baboy na nasa infected zone (Oriole Extension at Area 5) o nasa 1-km ­radius ay awtomatikong ipapapatay.

Ang pagpatay sa mga alagang baboy ng mga ‘illegal backyard raisers’ sa Barangay Bagong Silangan ay sinimulan ngayong Linggo (Sept. 15), bandang alas-4:00 nang hapon kung saan may 50 baboy na ang pinatay.

Gayunman, pagka­kalooban ng QC govern­ment ng ‘financial aid’ at livelihood assistance ang mga maapektuhang piggery owner.

Pinag-ibayo ng City Veterinary Office ­naman ang kanilang pagmomonitor sa mga ­public market sa lungsod. (Dolly B. Cabreza)