Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ASF pumasok na sa Eastern Visayas

0 103

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang presensiya ng African swine fever (ASF) sa Eastern Visayas partikular na sa bayan ng Abuyog sa Leyte.

Ayon kay DA Regional Director Angel Enriquez, apektadong barangay ang Can-aporong at Bunga.

Agad nagpatupad ng mga quarantine checkpoint sa mga boundary ng Abuyog upang makontrol ang galaw ng mga baboy mula Enero 14 hanggang Pebrero 15.

Ayon kay Enriquez, hindi pa batid kung ilang baboy ang apektado at kung paano nagkaroon ng ASF ang mga ito.

“This is the first case of ASF in Eastern Visayas. Disease control measures should be done, including putting up local veterinary quarantine checkpoints in the boundaries of Abuyog, Leyte,” lahad ni Enriquez. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.