Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ASF second wave inalerto sa pagbuhos ng pork import

0 180

Posibleng magkaroon ng second wave o ikalawang bugso ng Africa Swine Fever (ASF) sa bansa kapag itinuloy ang pag-import ng mga karne ng baboy.

Ito ang pangamba ni Senador Risa Hontiveros kaya’t inalerto nito si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar dahil posibleng matulad aniya ang sitwasyon sa nangyari sa COVID-19 na nagkaroon din ng second wave.

“Sa kabilang banda, dapat mag-alala at maghanda si Sec Dar. Kapag itinuloy ang tidal wave ng imports, hindi malabong gaya ng sa COVID-19, magkakaroon din ng second surge ng African Swine Fever,” pahayag ni Hontiveros sa Abante Tonite.

SM food to go Banner Ad

Kapag nangyari aniya ito, posibleng tuluyan nang bumagsak ang hog industry sa bansa.

“Maaaring mas malala pa ito kaysa sa nangyari noong 2020. Baka tuluyan nang ma-wipe out ang ating lokal na industriya dahil pinayagan ang imports pero bigong maitayo ang First Border Inspection facilities, na 2019 pa lang ay may budget allocation na,” sabi ng senador.

Ayon pa kay Hontiveros, kahit pinayagan sa ilalim ng Executive Order 128 ang pag-aangkat ng baboy, may kapangyarihan umano ang DA na hindi mag-isyu ng dagdag na import license kung sa tingin nila’y makakaapekto sa mga lokal na magbababoy. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.