Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ASF umatake sa Albay

0 446

Nakatakda nang patayin ang may 61 na baboy sa bayan ng Bacacay, Albay matapos ma-test na positibo sa African swine fever (ASF).

Dahil dito, ayon kay Mayor Armando Romano, itinuturing nang sentro ng ASF ang Barangay Hindi, kung saan nagmula ang 61 na baboy na infected ng ASF.

Pinayuhan ang mga nag-aalaga ng baboy na nasa loob ng 500 metro ng barangay na isailalim sa ASF examination ang mga alaga nila.

Naglatag naman ng mga animal checkpoint sa mga border ng Bacacay upang masuri ang pagpasok at paglabas ng mga hayop kabilang na ang mga produktong karne upang maiwasan ang pagkalat ng ASF. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.