Abante Tonite Interactive

ASF virus outbreak sinisi sa mga magbababoy

0 219

Sinisi ng Department of Agriculture (DA) ang kawalan ng kooperasyon ng mga may-ari ng babuyan at mga ­negosyante na ­siyang dahilan kung bakit ­patuloy pa rin ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa ­kabila ng mga ginagawang hakbang ng kagawaran.

Ayon kay Noel Reyes, tagapagsalita ng DA, pinupuslit ang mga baboy kaya kumalat ang ASF virus mula sa lalawigan ng Rizal patungo sa ibang lugar.

Dahil dito, ­umapela si Reyes sa mga magbababoy na sumunod sa mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng ASF virus.

“Mas lalo pong ­kakalat ang virus kung ­hindi natin susundin ang ­aming appeal na i-report kaagad ang may sakit. At ‘pag namatay na, ilibing nang mahusay,” panawagan pa ni Reyes.

Mariing pinayuhan ni Reyes ang mga magbababoy at mga negosyante na huwag nang ipagbili ang mga baboy na tinamaan ng ASF para hindi na kumalat ang virus nito. (Riz Dominguez)