Abante Tonite Interactive

ASG, BIFF tatapusin sa December 2017 – Año

By
37

Isusunod na tatargetin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mindanao ngayong tapos na ang giyera sa Marawi City.

Ipinahayag ito ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año matapos mapatay ang dalawang lider ng mga terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute, at idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapos na ang krisis sa Marawi.

“Next target natin tugisin ay ang mga bandidong ASG maging ang BIFF sa Maguindanao,” pahayag ni Año.

Ayon kay Año, hangad ng AFP na tapusin ang Maute-ISIS, ASG, at BIFF hanggang sa katapusan ng buwan ng December 2017.

“Panahon na para tapusin ang mga terorista na nag-o-operate sa Min­danao kaya gagawin namin ang lahat para masugpo sila at hindi na sila mamayagpag,” ayon pa kay Año.