Abante Tonite Interactive

Ash Wednesday: Abo sa bumbunan ibinudbod

484

Kahapon, Miyerkoles, Pebrero 26, 2020 ay ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang “Ash Wednesday” o ang “Miyerkoles ng Abo”.

Ito ang unang araw ng Kuwaresma o Lenten Season, na pumapatak sa 46 araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay (40 kapag hindi binilang ang mga Linggo).

Sa panahong ito, inaasahang mag-fasting o mag-aayuno ang mga Katoliko bilang pag-alala sa mga sakripisyo ni Hesus noon.

Kaya iba-iba ang petsa nito kada taon dahil dahil batay ito sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay: Pinakamaaga sa Pebrero 4 at pinakahuli sa Marso 10.

Nagmula ang pa­ngalan nito sa pagla­lagay ng abo sa noo ng deboto bilang tanda ng pagsisisi. Kinukuha ang mga palaspas sa nagdaang Linggo ng Palaspas o Palm Sunday para sunugin at gawing abo para sa pagdiriwang ngayon. Hinahaluan ito ng Holy Water at nililinis ng incense.

Ngayong taon, dahil sa patuloy na banta ng novel coronavirus disease 2019 o COVID-19, minungkahi ng mga pamunuan ng Simbahang Katoliko na maaaring ibudbod na lang sa bumbunan ng deboto, imbes na ipahid sa noo ang abo.

Pagkatapos sasabihin ng pari ang mga salitang: “Remember that you are dust, and to dust you shall return.” (Riley Cea)