Abante Tonite Interactive

Ashley naiiyak sa photo ni Ed Sheeran

0 369

Bagay na bagay sa showbiz ang isa pang talented na anak ni Ms. Lala Aunor na si Ashley Aunor dahil alam niya ang ibig sabihin ng The Show Must Go On.

Nang nag-guest kasi silang tatlong mag-nanay sa “Tambayan ng Tsika,” wala halos boses si Ashley dahil may sakit ito. Pero after mag-lozenge at uminom ng tubig, kumanta pa rin si Ashley at 100 percent effort ang ibinigay niya sa kanyang performance.

Multi-talented ang bunsong anak ni Ms. Lala, dahil bukod sa pagiging singer, composer din siya, at marunong mag-paint. Siya ay 3rd year college sa Berklee Online at kabilang sa investment nila ngayon ng Ate Marion niya ang pagtatayo ng sari­ling music studio.

Actually, six years old pa lang si Ashley nang nagkaroon ng CD na ang title ay ‘Gusto Kong Kumanta’ mula Ivory Records. Ngunit dahil mahigpit ang pinapasukang school, kaya naudlot ang pagi­ging recording artist niya.

Nagkuwento siya sa single niya ngayon na out na sa Spotify, “Mayroon po akong single na inilabas sa Spotify ngayon, ‘Si God na ang Bahala.’ Christian song ito na medyo comedy. Parang comedy-Christian rock,” saad ni Ashley.

Siya lang mag-isa ang gumawa? “Opo ako lang mag-isa, nag-produce, ako po nag-perform, ako po nag-arrange, ako po nag-mixing, mastering and releasing. Pati publishing,” nakangiting saad ng bunsong anak ni Ms. Lala.

Sa segment na ipinakita ang photo ni Ed Sheeran, ang unang reaction ni Ashley ay nagsabi siya ng, “I Love you. Sobra-sobrang idol ko siya, eversince.” Tapos, maya-maya ay umiiyak na siya kaya tinawanan nina Marion at Maribel.

Bida pa ni Marion, nang dumating pa lang ang airplane ni Ed Sheeran noong nag-concert dito, naiyak na raw sa tuwa si Ashley. Sabi naman ni Ms. Lala, nang sinamahan niya sa concert ni Ed si Ashley, ang naging papel niya ay alalay at tagabili lang ng hotdog ng kanilang bunso.

Ano ang favorite song niya ni Ed? “Lahat po, umiiyak ako sa lahat, kahit ‘yung music video lang niya or ‘yung live performance niya, nafi-feel kong umiyak,” natatawang saad pa ni Ashley.