Abante Tonite Interactive

Ashley todo-paseksi sa IG

1,152

Habang papalapit na ang showing ng sensual flick na “Wild and Free” na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez para sa Regal Entertainment Inc. na sinasabing siyang magpapabago ng viewing appetite ng mga moviegoer, unti-unti namang nagpapasilip ng kanyang alindog ang isa pang cast sa movie na si Ashley Ortega.

Hindi nag-sexy si Ashley sa pelikula kundi ang bidang si Sanya, pero humahakot ng mga view at likes ang dalaga sa kanyang mga bikini shot sa Instagram.

Kina Derrick at Sanya lang nag-focus ang promo ng pelikula kahit pa nasa grand presscon ng movie si Ashley pero sa social media naman bumabawi ang magandang aktres.

Abante Hiring – IT dep

Sa kaseksihan at ganda ni Ashley, marami na agad ang nagkaroon ng interes sa kanya at alamin nang husto kung sino ang aktres na ito.
Bukod sa kumikinang ang kanyang kutis sa kaputian sa bakasyon nito sa Vietnam, nakaka-wow ang hubog ng kanyang katawan.

Kurbang-kurba ang pigura ni Ashley sa tama ng araw sa kanyang body. Kitang-kita ang detalye ng kanyang flat tummy at ang magandang hubog ng kanyang legs.

Sabi nga ng isang follower niya na si @gatstrike, “@fhmphilofficial please consider this hottie”.

Tunay nga naman kasing napakainit ng ka­seksihan ni Ashley na sumasabay sa tirik ng araw sa pool kung saan siya nagpakuha.

May potential na maging hot sexy actress si Ashley kung bibigyan niya ng emphasis ang sexy genre.

Sa mga barakong naghahanap ng ganitong kaganda, sariwa at batambatang babae, kahit siguro buong Pilipinas ay iaalay sa paanan ni Ashley.
Kung baga sa isang bulaklak, humahalimuyak ang alindog ng dalaga.