Abante Tonite Interactive

AshMatt kilig ‘wag basagin

675

Ngayong mag-asawa na sila, magpakatotoo na tayo na hindi ba, super altang basahin at bigkasin na siya na si Mrs. Sarah Asher Geronimo-Guidicelli.

Sobrang nakakatuwa na ang karamihan ay nagbubunyi alt maligaya sa one-heart, one-love status ng newly weds.

Hindi na natin kailangang kabisaduhin pa kung sino ang nagdadabog ang bangs at maaring poot na poot at suklam na suklam sa masayang kaganapan, pasok Mommy Divine Geronimo!

Para sa dabarkads at madlang pipol, siya talaga ang reincarnation nina the late, great iconic kontrabidas Bella Flores, Zeny Zabala at Etang Discher.

Ang level ng pagiging kontrabida niya sa pagmamahalan nina Signore at Signorina Guidicelli talagang sa mga orihinal na kontrabida inihahalintulad at hindi sa mga relatively young na may pribelihiyong magmaldita at magmataray na tulad nina Ms. Cherie Gil, Eula Valdes at Gladys Reyes kasi nga the original is always the first and the best.

Ang bagong Signorina Guidicelli ay 31 years old na. Si Matteo, isang taon ang agwat ni Sarah sa kanyang novo marito. Sa true lang, they do not need her divine blessing at parental consent dahil super lagpas na sila sa kanilang voting ages. Moot and academic ang diumanong mga pagbabanta niyang pigilan ang kasalang kinasasabikan nating lahat.

Hindi rin nanalig ang diva that you love sa “sinuntok sa lalamunan” story arc na pinulatan. Tao ni Divine ang nagpa-blotter. Ang loyalty ng bodyguard, siyempre na kay Mamang Divine. Siya ang nagpapasweldo dito. She holds the purse kaya she has power over the bodyguard. Of course, ang nakakalokang katotohanan lang sa ipinapasuweldo niya sa bodyguard, ang halagang iyon ay galing sa dugo, pawis, sakripisyo at pagmamahal ni Sarah sa kanila, ang kanyang pamilya.

Siksik, liglig at umaapaw na ang perang inakyat ni Sarah sa kaban ng famigilia Geronimo at kung utang na loob rin lang ang pag-uusapan, baka hanggang sa ika-pitong lifetime pa ni Signorina Guidicelli, ay bayad na bayad na ito.

Kung yung “assets” ni Sarah ang gustong protektahan ni Mamang Divine, hindi ba katawa-tawa? Juice colored naman! Di hamak na mas maraming assets si Matteo na dapat pangalagaan at protektahan dahil nato ricco ito.

Ms. Divine, wag ka na magpaka-Maleficent mommy dearest. Huwag mo na basagin pa ang kilig.

Vivian iba ang kinakana kesa ayusin ang FAP

Kinasahan ni Angel Locsin ang drama ni Vivian Velez na super special mention ang pangalan ng aktres sa kanyang social media posting tungkol sa mga ABS-CBN 2 stock holders.

Ang babaeng claim to fame ay naging one-time, big time Ms. Body Beautiful. At dahil nga pinopoon ang pinakamakapangyarihang Ginoo, may ganito talagang angas at pribilehiyo?

Ayusin mo na lang ang Film Academy of the Philippines at gawin mong maibalik ang kredibilidad at prestihiyo nito. Hindi ‘yong kung ano-ano ang kinakana mo para lang magka-spotlight.

Pagbuyangyang ni Alden sa kili-kili katakam-takam

Happy fiesta ang mga bekibel pati na rin ang ang straight acting men who likes to have sex with other men sa pakili-kili shots ni Alden Richards para sa isang tuna brand.

Ang mga may armpit fetishes, laway na laway, takam na takam at may kung anong bumubulwak sa kanilang mga kaibuturan dahil sa makinis at maputing kili-kili ni Richard na may saktong dami ng mga buhok.

Kasinghot-singhot at kadila-dila raw ang kili-kili ni Faulkerson Jr. Ang katawang pangromansa naman nitong hubad, eh kayakap-yakap at puwedeng sambahin.

Parang tama na ang panahon at hindi hinog sa pilit kung sakaling sasabak na sa pangmalaksang sexy movie project ang Asia’s Multimedia Star na mahal nating lahat.