Abante Tonite Interactive

AshMatt nagpakilig sa Araneta

1,156

Sumabog sa kilig ang Araneta Coliseum sa presence ni Matteo Guidicelli sa first night ng “Unified” concert ng fiancée nito na si Sarah Geronimo kasama si Regine Velasquez-Alcasid nu’ng Valentine’s Day.

Kung dati ay tila may silent rule na bawal magpakita si Matteo sa mga concert ni Sarah, this time ay ‘legal’ na si Matteo, na dapat lang naman bilang engaged to be married na sila ni Sarah.

Naganap ang bonggang AshMatt moment na ‘yon sa thank you portion nina Regine at Sarah sa bandang dulo ng concert nila.

Nagpasalamat si Reg sa kanyang mommy at mga kapatid (pati na kay Mang Gerry na nasa langit na) na nandu’n sa audience, at siyempre sa mister niyang si Ogie Alcasid na pakalat-kalat daw doon sa Araneta.

“Thank you, honey. Happy Valentine. Mamaya, ha? Mag-ready ka, ha? Medyo pagod lang ako, hihiga lang ako. Ikaw na bahala,” pilyang sey ng Asia’s Songbird na ikinatawa ni Sarah at ng mga nasa Big Dome.

“Bakit? Matutulog lang siya. Ang babastos n’yo! Kung anu-ano ang iniisip. Nakakahiya naman sa mga Popsters, mga bagets pa ‘yon!” dayalog pa ni Regine.

“Mga bagets pa ba kayo?” tanong ni Sarah sa kanyang fans na buhay na buhay nu’ng gabing ‘yon.

“Parang hindi na rin. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Reg.

“Nagsitandaan na rin ang mga Popsters,” sey ng 31-anyos na Popstar Royalty.

Nang sabihin ni Regine kay Sarah na ito naman ang magpasalamat, ang unang binati ni Sarah ay ang kanyang fiancé na si Matteo kaya grabe ang tilian ng crowd.

“Love ko, ayan,” sabay turo kay Matty na nakaupo sa harapan, na medyo nahihiyang napangiti at nag-flying kiss sa nobya nito.

Kinilig din si Regine sa AshMatt. Ang sabi nito ay ang pogi raw pala ni Matteo.

Ang tamis ng smile ni Matt, na pabirong pinisil sa pisngi ng katabi nitong si Ranvell Rufino na close friend nito.

Grabe ang tuwa at kilig ng AshMatt fans sa puntong ‘yon ng show.

After that ay nagpasalamat din siyempre si Sarah sa pamilya niya, sa kanyang Daddy Delfin, Mommy Divine at mga kapatid na nandu’n daw sa backstage.

“Si Mother (Divine)? Naku, may mga vegetables pa akong order,” pakli ni Regine.

“Si Mother. May mga vegetables at fruits, Ms. Reg. Bili raw po kayo,” natatawang sey ni Sarah.

“Oo nga, nagpapahatid sa bahay,” sagot ni Reg.

Hindi roon nagtapos ang kiligang AshMatt dahil bago nagtapos ang concert, sa ending ng encore number nina Regine at Sarah ay umakyat ng stage sina Ogie at Matteo para bigyan ng bouquet of flowers ang mga mahal nila.

Major moment ‘yung pumanhik ng entablado si Matteo, tapos ay ang sarap ng yakap nito sa soon-to-be-wife nito na si Sarah.

Pag-abot ni Matty ng bulaklak ay may binulong ito kay Sarah, tapos ay hinalikan nito ang nobya sa may ibabaw ng tenga kaya hiyawan galore na naman ang Araneta.

Para sa loyal AshMatt fans ay big deal ang moment na ‘yon dahil 6 years ang hinintay nila bago nangyari ‘yon.

Ang alam namin, last time na nag-Araneta concert si Sarah ay nasa backstage lang si Matty at bawal itong umupo sa audience.

So, ganu’n na lang ang ligaya ng mga nagmamahal sa dalawa. As in buong-buo, kumpleto at talagang masaya ang Valentine’s Day nila!

PAK!!

Humihipo kay Sarah inurirat ni Regine

Isa pang cute moment sa “Unified” concert nina Regine at Sarah ay nu’ng bitawan ni Songbird ang famous line ng Belo Medical Group.

Ang sabi ni Reg, “Only Belo touches my skin… and also Ogie.”

Baling nito sa katabing si Sarah, “Who touches yours?”

Natawa lang si Sarah at laugh din ang Araneta audience.

“Ba’t tawang-tawa kayo? Ha! Ha! Ha!” sey ni SG.

“Sige, sasagutin natin ‘yan next time,” dugtong pa nito, kaya napa-“Wow!” si Regine.

Ang cute din nu’ng part na napahinto si Sarah sa pagkanta ng “How Could You Say You Love Me?” dahil ang lakas ng tili ng kinikilig na si Regine.

In fairness ay ang ganda ng duet nila ng song na ‘yon. At sabi ni Reg after, ang galing daw nila roon, pero mas magaling daw si Sarah.

Isang musical event ang “Unified” na unang pagsasama nina Regine at Sarah sa isang back-to-back concert.

Dream come true raw ito para sa kanilang dalawa dahil matagal na nilang gustong magsama.

Sobrang happy si Sarah at hindi raw madali ang ginagawa niya performing with Ms. Reg na idol niya. Grateful daw siya na finally ay nakasama na niya ito sa isang buong concert.

Panay ang sabi ni Regine na hindi nagbago si Sarah mula nang makilala niya ito nu’ng 14 years old pa lang ito nang manalo ito sa “Star For A Night” hanggang sa maging superstar ito.

Totoo ‘yung sinabi ni Songbird na very shy si Sarah in person pero ‘pag nasa stage na ay nagta-transform ito at nagiging halimaw.

Opening pa lang nila na “On the Wings of Love” at “Forever’s Not Enough” ay biritan at bosesan na kaagad.

Bongga ‘yung version ni Regine ng “Isa Pang Araw” ni Sarah at gustung-gusto namin ang version ni SG ng “Narito Ako” ni Reg, na binigyan ng bagong areglo ni Maestro Louie Ocampo.

Applauded ang duet nila ng “Dadalhin”. Hanep ang performance ni Sarah sa “Ikot-Ikot” at “Kilometro”, lalo na sa highlight na “Tala” na ang ganda ng build up.

Pangabog pa rin ang walang kupas na “And I Am Telling You I’m Not Going” ni Regine, na umani ng standing ovation.

Minsan pang pinatunayan nina Regine at Sarah sa “Unified” na silang dalawa at wala nang iba pa ang best and finest female voices in the country.

PAK!!!