Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AshMatt umeskapo sa Coron

0 81

Base sa mga larawang naka-post kahapon sa Instagram page ng isgfan (Sarah Geronimo-Guidicelli fan) sa Coron, Palawan nagdiwang ng kanilang first wedding anniversary ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Makikita sa mga larawan sina Matteo and Sarah na naka-beach wear at masayang magkaakbay. Naka-ternong maroon sleeveless and walking shorts si Popstar habang ang aktor naman ay naka-blue sando and black shorts. Sa background ay kita ang dagat at ang napakagandang view ng lugar.

Ang sweet nga ni Matteo dahil hawak-hawak pa niya ang bag ni Sarah.

Sa ibang larawan naman ay makikitang nakasakay sa yate ang mag-asawa.

“AshMatt having a great time in Coron,” ang nakalagay na caption sa mga larawan.

Sa comments section ay kinakantyawan ng fans ang mahabang shorts ni Sarah.

“Mas sexy pa yung short ni @matteog kesa kay wifey 😂🙈 Anyways, enjoy lovebirds 🥰 Keep safe!! I love you both, happy anniversary,” komento ng isang netizen.

Sagot naman ng isa, “strict si hubby.”

Dahil kitang-kita sa larawan ang slim body at flat tummy ni Sarah, dito napatunayan ng fans na hindi raw buntis si Popstar.

“Not true pala yung preggy issue..” comment ng isang netizen.

Matatandaang Feb. 20, 2020 nang ikasal via civil ceremony sina Matteo and Sarah. In one of the actor’s interview ay sinabi niyang hangad pa rin nila ang magkaroon ng grand church wedding.

@@@

Joshua pinaaamin ni Kim sa `Paubaya’ video

“Ang nagpaubaya,” ang pakilala ni Kim Chiu kay Joshua Garcia kahapon sa ASAP Natin ‘To.

Of course, ang ibig sabihin ni Kim ay ang talk of the town at trending na music video ni Moira na Paubaya (aka the closure video) kung saan ay featured sina Joshua and Julia Barretto.

Dahil sa naturang MV ay usong-uso nga ngayon ang linyang “naubos ako” na kasama sa heartbreaking dialogue ni Julia.

Tinanong ni Enchong Dee si Joshua kung ano ang nagpa-oo sa kanya para gawin ang music video.

“Alam mo, simple lang ang sagot ko riyan,” simula ni Joshua. “Ang sagot ko riyan is ‘yung friendship namin nila Moi (Moira), nila Kuya Jason (Hernandez, Moira’s husband) and Julia. ‘Yun ‘yung isa sa nagpa-oo talaga sa akin. Seryoso, totoo yun.”

Aminado ang aktor na saktong masyado raw sa kanila ang nasabing kanta.

“Si Moi yung nag-ask sa akin eh. Sabi niya, ‘okay ka ba to do this Paubaya?’ Napakinggan ko yung kanta. Sabi ko, ‘ang ganda nito ah. Parang saktong-sakto masyado sa amin,’ kwento ni Joshua sabay-tawa.

Tanong ni Kim, “kayo raw ang nagsulat ng lines ninyo sa music video, gaano katotoo ang linyahang ‘yun sa emosyon ninyo?”

Inamin naman ni Joshua na silang apat ang gumawa ng script.

“May script siya, ‘yun ‘yung guide. Oo, kami yung gumawa – ako, si Moi, si Kuya Jason and si Jul. Kami yung gumawa apat.

“May script siya, siyempre may guide kung hanggang saan lang kayo. Pero yung sasabihin as an actor, kung saan ka komportable siyempre, kung saan mo mararamdaman,” paliwanag ni Joshua.

Sa tanong ni Kim kay Joshua kung bakit siya nag-sorry, hindi agad nakasagot ang aktor kaya sinalo na ito ni Enchong at iniba na ang usapan.

Isiningit na ni Enchong ang tanong ng isang fan kung naging madali ba para kay Joshua na makatrabaho ulit si Julia, gayundin si Moira.

“Oo naman. Ka-message ko nga si Kuya Jason before the shoot. Sabi ko sa kanya, ‘Bro, sigurado ako exciting itong mangyayari.’ Kasi parang doon na lang kami ulit nagsama-sama ulit. Last project naming ginawa na magkakasama is ‘Love You to the Stars and Back,’ ‘Torete’ ni Moi,” sagot ni Joshua.

Leave A Reply

Your email address will not be published.