Abante Tonite Interactive

Asi handa nang magretiro

By
269

Kung urong-sulong pa si Mark Caguio ng Ginebra sa kanyang pagreretiro sa kasalukuyang taon, si Paul Asi Taulava handa na makalipas ang ika-20 taon niyang paglalaro sa nakatakdang mag-open bukas na 44th PBA 2019 Philippine Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Inamin ng dating dominanteng higanteng Fil-Tongan sa liga na 1998 direct hire ng Mobiline (TNT KaTropa), future Hall of Famer at ngayo’y 45-anyos, na malamang na ang 2019 season ang huli na niya at bago isabit ang playing jersey.

“Let’s see after the final year if it’s meant to be then it will be my swan song,” anang may 1 championship, 2003 MVP at maraming beses na naging national pla­yer Huwebes nang hapon sa unang PBA Media Day sa The Tent ng Solaire Resort & Casino sa Parañaque City.

“I just want to enjoy it, I’ll play my tail off, if my body can still go for another year then why not, but if my body tells me ‘Asi, it’s time to sit down and hang out with the older guys,’” aniya pa.