Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Asia Cup nasa kamay ng IATF

0 59

Ibinahagi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakasalalay sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases (MEID), ang pagdaraos sa hinaharap sa bansa ng 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers.

Purnada sa nakaraang linggo ang pag-host ng Doha, Qatar sa February 18-22 hoopfest nang ipag-utos ng Qataris Ministry of Public Health ang kanselasyon ng lahat ng sports events dahil sa pagtaas ng coronavirus cases sa bansa. Bago ang Doha, nakatakda ito sa Angeles, Pampanga pero kinansela noong January 29. sanhi rin ng pandemya.

SM food to go Banner Ad

Hinirit pa ni Vergeire nitong Lunes sa virtual briefing, “We still need to sit down of course with other agencies. Pero alam naman po natin na nakapag-issue na dati ng joint administrative order ang Philippine Sports Commission (PSC) together with the DOH so we can ensure that health protocols are implemented while we slowly open up this sector of society.” “So, antayin lang po natin. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.