Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Asiad babalik sa Doha

0 238

Napili ang Doha, Qatar upang maging host ng 21st Asian Games 2030 habang ang Riyadh, Saudi Arabia ang ika-22 edisyon sa 2034 sa napagkasunduang kompromiso sa pagitan ng magkaribal na bansa sa harap ng Olympic Council of Asia (OCA).

Ito ang ipinahayag ng OCA nitong Miyerkole sa executive board meeting sa Doha kung saan nagkakaisang inaprubahan ang proposal na pangalanan ang runner-up sa dalawang bansang karera para sa 2030 at 2034 hosts.

“I can now announce… that the city who had the highest vote and will host 2030 is Doha,” ani OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait. “The second hosting city, for 2034, is Riyadh.”

Nag-Asiad host na rin ang Doha noong 2006. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.