Abante Tonite Interactive

Asiad golden girls 2018 Athlete of the Year

By
0 156

Sinimulan na ng Philippine Sportswriters Association Board sa pangunguna ni President Dodo Catacutan ng Spin.ph ang pagpili sa top achievers kahit pinangalanan na ang Athlete of the Year (AOY) award.

Ang limang gold medal winners sa Indonesia 18th Asian Games 2018 noong Agosto 18-Setyembre 2 na sina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, at golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go ang kokopo ng AOY.

Dadaluhan ang Annual Awards Night ng mga editor, sportswriter at columnist mula sa broadsheet, tabloid at online media.

May mga igagawad ding PSA President’s Award, Executive of the Year, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement Award, Mr. Basketball, Mr. and Ms. Volleyball, Mr. Football, at iba pa.

Magaganap ang traditional gala sa darating na Pebrero 26, 2019 sa Manila Hotel. ()