Abante Tonite Interactive

Asian powerhouse ang ‘Pinas

0 423

Kung noon sa international sports community ay pipitsugin lang ang tingin kapag narinig na Pinoy o Pinay ang kalaban.

Ngayon ay nagbigay ng matinding statement ang Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

Pangalawang araw pa lang ay nalampasan agad ng ating mga atleta ang gold medal haul sa nakaraang edisyon ng biennial meet sa Malaysia, kung saan tumapos lang sa ikaanim na pwesto ang bansa.

Dahilan ng biglang pag-arangkada ng Pilipinas ay dahil host country tayo na kontrolado ang mga ipapasok na sport sa regional meet.

Sampung ginto ang tinigpas ng bansa sa nasabing event, na nagsimula sa SEAG noong 2005 ng mag-host din ang ‘Pinas.

Ilan pa sa mga humamig ng madaming medalya ang bansa ay sa arnis at sepak takraw, na dalawang itinuturing na larangan kung saan malakas ang ating mga atleta.

Ngunit hindi lang ito ang dahilan ng biglang pag-arangkada ng bansa sa medal tally.

Nandiyan si Carlos Yulo na gumawa ng ingay matapos magwagi sa World Championships ng gymnastics.

Hindi rin pahuhuli si Hidilyn Diaz na silver medalist sa Summer Olympics, na ngayon ay nakamit ang kanyang unang ginto sa SEA Games.

Isa pang inaabangan ay si Margielyn Didal sa skateboarding, na isa din sa mga pambato natin sa 2020 Tokyo Olympics.

Hitik na sa mga decorated athlete ang mga Pinoy, na kung mabubuhusan ng sapat na suporta ay hindi malayong maabutan natin sa ating henerasyon ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.