Abante Tonite Interactive

Asian Senior Chess idedepensa ni Torre

319

Tutok ang lahat kay Asia’s first grandmaster Eugene Torre sa pagtaktak ng 2018 Asian Seniors Chess Championship sa Sabado (Nov. 3) sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City.

Si Torre, ang “Poster Boy” ng Philippine chess sa mid-70s, ay defending champion sa prestihiyong, nine-round tournament na ini-host ng Tagaytay City government sa pamamagitan ni Cong. Abraham “Bambol” Tolentino at Mayor Agnes Tolentino.

“It will be a another big challenge for me, but I am ready (to defend the title). I’ll do my best as always,” banggit ni Torre, na mag-67 anyos na sa Nobyembre 4.

Si Torre, na nagsilbing coach ng Philippine team na tumapos pang-37 sa 53rd Chess Olympiad sa Batumi, Georgia kamakailan ang nanguna sa nakaraang taong edisyon sa New Zealand.

Ang Pinoy champion ang siya ring top seed na may ELO of 2449.

Inaasahang hahamunin si Torre nina FM Oleg Rinas ng Kazakhstan, FM Muhammad Novuan Siregar ng Indonesia, Kuanishbek Jumadullayev ng Kazakhstan, Than Khin ng Myanmar, Syarif Mahmuf ng Indonesia, Aitkazy Vaimurzin ng Kazakhsran, Tony Davis ng New Zealand, Kian Hwa Lim ng Malaysia at Mahmood Dodeen of Palestine.

Lahok din sina IM Chito Garma, Cesar Caturla, Rosendo Bandal, Casto Abundo, Efren Bagamasbad, Adrian Pacis at Stewart Manaog.

Nakataya sa prestihiyong 10-round tournament na inorganisa ng Tagaytay Chess Club sampu ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at Asian Chess Federation (ACF) ang higit sa P150,000 papremyo.