Abante Tonite Interactive

Asido pinalagok sa anak sabay suicide

250

Pinalagok muna ng muriatic acid ang kanyang 4-anyos na anak bago nagsaksak ng tatlong beses sa sarili ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa sobrang selos sa kanyang misis kahapon nang tanghali sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jorlan Taluban, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, kapwa wala nang buhay ang mag-amang Randy

laborer; at anak na si Zian, ng Tondo nang datnan ng kanyang panganay.

Alas-12:20 ng tanghali nang makita ng panganay na naliligo sa sariling dugo ang ama dahil sa tinamong tatlong saksak habang bumubula naman ang bibig ng kanyang kapatid.

Nabatid sa misis ni Randy na si Pauline, isang Overseas Filipino Worker at kakauwi lang noong nakalipas na buwan mula Qatar na malimit umano siyang pagbantaan ng mister na magpapakamatay at sinasabi umano nito na magsasama siya ng kanilang anak kapag ginawa nito dahil sa hinalang mayroon siyang lalaki sa abroad.

Bago ang pagpapakamatay, nag-away muna ang mag-asawa noong linggo. Tinangka umano ni Randy na saksakin ang kanyang misis pero naawat umano ng kanilang panganay na anak dahilan para siya ang pagbuntunan ng galit at pagsusuntukin ng ama.