Abante Tonite Interactive

Aso’t pusa

337

Dear Dream catcher,
Gusto ko lang po ma-laman anong kahulugan po ng panaginip ko na ang dami-dami pong asong gustong pumasok sa aming bahay.

Meron pang nanggagaling harap at likod bahay. Tinataboy ko daw po ‘yun pumapasok sa harap ng bahay pero pilit pa rin silang pumapasok. Tapos bukod sa aso ay meron na ring mga pusa na gustong pumasok sa bahay namin. Ano pong ibig sabihin ng panaginip ko?
Arlene

Dear Arlene
Ang panaginip tungkol sa mga hayop ay sumisimbolo sa iyong emosyon, behavior at kung paano ka mag-react sa bawat sitwasyon.

Ang aso ay konektado sa loyalty at pakiki-pag-kaibigan gayundin sa proteksyon.

Kung sa iyong pana- ginip ay agresibo at wild ang mga aso at may intensyong umatake, maari itong indikasyon na sa kasalukuyan mong sitwasyon, nakakaramdam ka ng pagdududa sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Maaring iniisip mong may mga kaibigan na tinatraydor ka at hindi na loyal saiyo kaya sa iyong panaginip ay kitang-kitang na nakakaramdam ka ng anxiety. Kung sa aktuwal na buhay ay nararamdaman mong may gusto kang takasan, maaari mo ring ikonek ang iyong panaginip.

Related Posts

Tulad sa aso, ang pusang umaatake sa iyo ay nagpapakita rin na mero­n kang kinatatakutan sa aktuwal na buhay. Maaring ito rin ay isang kaibigan na sa pakiramdam mo ay lihim mong kaaway.

Pero kung sa panagi-nip mo naman ay gusto lamang pumasok ng mga aso at pusa pero wala na silang intensyong saktan ka, maaa-ring sa aktuwal na buhay ay nakakaramdam ka lamang ng kalituhan kung sino sa mga taong nakapaligid sa iyo ang dapat mong pagkatiwalaan.

Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay maaaring tungkol sa pagkalitong nararamdaman mo. Tandaan na sa mga ganitong sitwasyon, pamilya pa rin ang pinakamainam na kakampi.

Ikaw pa rin ang tunay na nakaka-kilala sa sarili mo at sa mga taong nasa buhay mo, maging matalino sa pagpili ng mga taong dapat mong pagtiwalaan.
Dream Catcher

DISCLAIMER­: AngDREAM CATCHE­R ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip.

Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga guston­g isangguni ang kanilang pana-ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com