Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Asset ng pulis buking sa buy-bust

0 73

Kalaboso ang isang police asset matapos maaresto sa isinaga­wang buy-bust operation sa Brgy. Cabungaan, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ng Laoag City Police Station (LCPS) ang suspek na si Nolimar Valdez, 39-anyos, isa sa mga pinagkakatiwalaang police asset, ng Brgy. 23, bayan ng San Nicolas ng nasabing lalawigan.

Sa paunang report, ayon sa LCPS, nakatanggap umano sila ng intelligence report hinggil sa iligal na gawain ng suspek.

Dito, agad na nagsagawa ng buy-bust ang mga operatiba at inaresto si Valdez habang inaabot ang illegal drug sa isang undercover agent na pulis na umaktong bibili.

Napag-alaman na nagsimulang maging police asset ang suspek noong 2017 at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng lokal na pulis.

Nakakulong ngayon si Valdez sa LCPS at sasampahan ng kaukulang kaso laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.