Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Asset tinarget sa ulo

0 238

Patay ang isang security guard na pinagbibintangang asset ng mga pulis nang barilin sa ulo ng hindi nakikilalang gunman kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din si Jury Lopez, 22, security guard sa Vitas Industrial Estate Association sa Blk.12 Aroma, Temporary Housing sa Tondo, taga-Vitas,Tondo dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa imbestigasyon ni PMMS Charles John Duran ng Manila Police District- homicide dection, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Blk.12 sa Aroma, temporary Housing sa Tondo.

Nalaman na bago mabaril ay nakipag inuman pa ang biktima sa kanyang bisita na nakilala lamang na alyas Francis sa loob ng kanyang bahay dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Pagsakay sa kanyang motorsiklo patungong trabaho patraydor itong binaril ng hindi pa nakikilalang salarin.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpaslang sa biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.