Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Astig na Pinay marathoner

0 61

(2) Christabel Martes

Nito pong nakaraang Miyerkoles, Agosto 26, ibinigay ko ang unang puwesto na pinakatigasing Pinay marathoner kay 2016 Rio de Janeiro Olympian Mary Joy Tabal ng Cebu.

Pangalawa po sa listahan ng inyong lingkod o TP, si Christabel Martes na tubong La Trinidad pero sa katabing Baguio City na naninirahan.

Siya pa lang Philippine marathon runner (mapa-Pinoy o Pinay man), na nakamedalya sa may 17 edisyon ng Asian Marathon Championships (AMC).

Nag-silver ang nag-41-anyos nitong Agosto 15 lang, sa 7th AMC 2000 sa Pattaya, Thailand sa tiyempong tatlong oras, limang minuto at pitong segundo. Gold medalist si Thai Suniya Sailomyen (2:58:14) at bronze winner si Winnie Lai-Chu Ng ng Hong Kong (3:09:43).

Bukod diyan, pumangwalo siya sa siyam na finisher, may dalawang nag-did not finish o DNF, sa 14th Asian Games 2002 sa Busan, South Korea sa clocking na 3:09:48; two-time champion din si Martes sa Southeast Asian Games — sa ika-21 edisyon noong 2001 Malaysia (2:52:43) sa pagdaig sa nag-silver-bronze na taga-Myanmar at Indonesia, at sa ika-23 edisyon noong 2005 sa ‘Pinas (2:47:07) sa pagtalo sa Indonesian at Burmese.

Hindi lang iyan, five-time queen na rin ang may isang supling na babae, sa National MILO Marathon.

***

Kung may mungkahi o katanungan po kayo, mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com o sa ramilcruz2003@yahoo.com.

Hanggang sa susunod pong Miyerkoles mg aka-Abante TONITE.

Salamat po. God bless us all!

Leave A Reply

Your email address will not be published.