Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Astral travel namasyal sa UFO base

0 309

Mga ka-Misteryo isang alien invitation sa asttal na may kasamang UFO Encounter ang paksa natin ngayon. Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Akala’y panaginip lamang ang naranasan ni Crisanto ng Makati nang bigla siyang inimbitahan ng isang nilalang na tinawag niya sa pangalang “Henry.”

Noong una niyaya siyang sumama sa karwahe papasok sa isang tunnel pero tumanggi siya hanggang sa kailangan na lang niyang sumakay ng tren.

Misteryo: “Sino itong Henry na sinasabi mo? Sa palagay mo ba ibang nilalang ito na nag-anyong tao?”

Crisanto: “Para siyang tao at hitsura ni Huckleberry Finn sa novel ni Mark Twain. Noong una inalok niya ako sumakay sa karwahe at dadaan kami sa tunnel pero ayaw ko kasi madilim. Nag-offer siya sakay ako sa trike niya na de padyak pero ayaw ko pa din kasi meron naman akong sariling bike. Kaya bigla na lang ako nasa loob ng train station papunta sa sinabi niyang “noon of chaokran.”

Misteryo: “Wow! Mukhang sosyal ata ang biyahe mo pero saan yung ‘noon of chaokran’ at Ano interpretasyon mo sa name na yun?”

Crisanto: “Kung noon baka sa norte yun kasi di ba tanghali ay 12 noon, pero yung chaokran ang hindi ko alam. Baka yun ang tawag nila sa pinasyalan ko.”

Misteryo: “Ok sumakay ka ng tren. Sabi mo bumili ka pa ng ticket?”

SM food to go Banner Ad

Crisanto: “Oo may ticket kaya nakasakay ako sa parang bullet train hanggang sa nakatulog ako sa biyahe. Paggising ko nasa loob na ng isang laboratoryo.”

Misteryo: “Aba mukhang alien abduction pero astral travel din ang karanasan mo so anong nakita mo sa laboratoryo?”

Crisanto: “Dito ako namangha parang testing laboratory ito ng mga ufo. Hugis-itlog na maliit na UFO na parang pambata lang at may mga orb na nagsilbing control sa paglipad ng mga UFO. Pagkatapos nun muntik pa ako maipit ng tatlong nakalutang na UFO. I presume testing laboratoryo yun ng UFO scouts o drone.”

Misteryo: “After nun ano ang sumunod na nangyari? Pinasakay ka ba sa isa sa UFO

Scouts o drone na yun?”

Crisanto: “Hindi pero nagtaka ako isang engineer sa tabi ko ang nagtanong sa akin kung nasusuka ba ako o nahihilo. Paano naman ako masusuka kung hindi naman ako sumakay di ba?”

Sa susunod na artikulo ko itutuloy ang karanasan ni Crisanto na ipinasyal sa UFO

base pero pakiwari niya ay nalagyan pala siya ng chip ng mga ET.

Para sa inyong kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.