Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AstraZeneca 1 linggo maatraso pagdeliber – Duque

0 68

Inihayag kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi matutuloy ang inaasahan nilang pagdating ng mahigit 500,000 dose ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng AstraZeneca matapos na magkaroon ng aberya sa suplay nito.

“Mayroon lang balita kasi na hindi matutuloy dahil sabi ng WHO (World Health Organization), nagkaka-problema sila sa supply. So, maaantala raw ng mga isang linggo,” pahayag ni Duque sa state-owned PTV 4.

“Kanina tumanggap kami ng komunikasyon na nagsasabi na hindi na matutuloy. Baka abutin ng isang linggo pa,” aniya pa.

Una nang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong nakaraang Sabado ang inaasahang pagdating ng mahigit 500,000 dose ng bakuna ng AstraZeneca ngayong Lunes mula sa COVAX facility ng WHO.

Leave A Reply

Your email address will not be published.