Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AstraZeneca dinala sa Bicol, nasayang

0 735

Kinastigo ni Senadora Nancy Binay ang Department of Health (DOH) dahil nasayang ang 7,500 dose ng COVID-19 vaccine na inilaan para sa Bicol region.

Sabi ni Binay, nababahala siya sa ‘mishandling’ ng AstraZeneca vaccine na aniya’y hindi katanggap-tanggap kasabay nang paghikayat sa gobyerno na maging ‘proactive’ para maiawasan ang pagkasira ng naturang mga bakuna.

Ang 7,500 dose ay bahagi ng 22,000 dose ng AstraZeneca vaccine na pinadala sa Bicol Region noong Marso 10. Maliban sa 7,500 shot, ang iba’y naipamahagi na sa iba’t ibang ospital sa rehiyon.

Nailagay ang 7,500 dose sa lagpas na temperature requirement na itinakda ng AstraZeneca na +2 to +8 degrees Celsius lamang.

Sabi ni Rita Ang-Bon, COVID-19 vaccine program coordinator ng DOH sa Bicol, gumamit umano ang third party logistic na kinuha ng DOH ng sablay na thermometer. Hindi umano nabatid kung napanatili ng kompanya ang temperature habang ibinibiyahe ang bakuna patungong Bicol.

“Dahil sa kapabayaan, technically, about 7,500 people have been denied life-saving vaccines—or shall we say, 7,500 health workers ang hindi nabakunahan,” sambit pa nito. Given the shortage of vaccines, these kinds of mishandling are totally unacceptable,” diin pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.