Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AstraZeneca ituturok sa mga empleyado ng Kamara

0 160

Inihayag ng isang mambabatas na bakuna ng AstraZeneca ang gagamitin ng Kamara para sa isasagawang vaccination probram sa mga empleyado ng kapulungan.

Paliwanag ni Quezon Rep. Angelina `Helen’ Tan, chairperson ng House committee on health, kabilang ang Kamara sa naging alok ng AstraZeneca para sa isang tripartite agreement sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno at maging sa pribadong sektor para makakuha ng bakuna kontra COVID-19.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang aniya ang pagdating ng bakuna.

Una nang nagsagawa ng health profiling ang Kamara sa lahat ng empleyado nito kasama ang apat nilang dependent na nais magpabakuna. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.