Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AstraZeneca mabisa vs Omicron

0 43

Malakas umanong panlaban sa Omicron COVID-19 variant ang AstraZeneca booster shot.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles batay sa inilabas na data ng kompanya ng AstraZeneca.

Ayon kay Nograles, nakakagawa ng mas mataas na antibodies ang AstraZeneca booster laban sa Omicron kaya makakasiguro ng dagdag na proteksiyon ang mga nakatanggap na ng booster shot nila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“May inilabas na preliminary data ang AstraZeneca na nagpapakitang ang kanilang booster ay nag-ge-generate ng higher antibodies laban sa Omicron,” ani Nograles.

Pero kaagad nilinaw ng kalihim na lahat ng ginagamit na bakuna laban sa COVID-19 ay epektibo, gumagana, ligtas at higit sa lahat ay libre mula sa gobyerno.

Dahil dito muling hinikayat ng Palasyo ang mga mamamayang hindi pa nagpapabakuna na magpaturok na ng COVID-19 vaccine. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.