Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AstraZeneca nag-apply para sa emergency use ng COVID bakuna

0 56

Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na nag-apply ang multinational firm AstraZeneca para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 bakuna sa Pilipinas.

“Yes. They filed the application just now,” ayon kay FDA Director General Eric Domingo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid kay Domingo na aabot sa tatlo hanggang apat na linggo depende sa mga isinumiteng kumpletong dokumento ang ebalwasyon sa aplikasyon ng AstraZeneca.

Inihayag naman nito na posibleng maglabas na sila ng desisyon ukol sa naunang aplikasyon ng Pfizer para sa EUA ng kanilang bakuna kontra COVID sa Enero 14. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.