Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AstraZeneca, Sinovac bakuna binebenta sa FB, Twitter, Viber

0 402

Hinahanting na ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga umano’y iligal na online seller ng AstraZeneca at Sinovac vaccine gamit ang social media.

“We have all seen the Facebook posts, and the tweets and the Viber messages. Mayroong nagbebenta allegedly ng AstraZeneca, mayroong nagbebenta allegedly ng Sinovac,” ayon kay FDA director-general Eric Domingo sa press briefing kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So our regulatory officers are meeting with these groups and tracking them down and reminding na hindi maaaring magbenta,” giit ni Domingo.

Kasabay nito, sinabi ni Domingo na wala pa ring natatanggap na opisyal na aplikasyon ang pamahalaan para sa emergency use authorization ng COVID-19 vaccine na gawa ng Johnson & Johnson, Moderna at Sinopharm. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.