Abante Tonite Interactive

Asunto vs PISTON at jeepney operators kasado na!

By
10

Kasado na ang kasong isasampa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga jeepney transport operators na sumama sa magkasunod na dalawang araw na tigil-pasada nitong nakaraang Lunes at Martes.

Sinabi ni LTFRB Chair Martin Delgra, hindi umano nila maaaring isantabi ang ginawang transport strike at nararapat lamang na kasuhan ang mga franchise owners ng mga jeepney dahil sa halip na serbisyuhan ang mga commuter ay sila pa ang nagpahirap sa mga ito.

Nilinaw ni Delgra na sa ilalim ng memorandum circular ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga transport operators ang lumahok sa anumang protesta o ikakasang mga tigil-pasada.

Maliban sa mga jeepney operator, nakatakdang sampahan rin ng kaso ng ahensiya si Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) national president George San Mateo.