Abante Tonite Interactive

Atake ni Curry, GSW aabangan ng Rockets

By
4,674

Nang matalo ang Golden State sa Game 5 ng Western Conference finals noong Huwebes, nangako ang Warriors na babalik sila sa Houston para sa Game 7.

Pagkatapos ng dominanteng 115-86 win sa Game 6, martsa na agad sa Houston ang Warriors para sa winner-take-all Game 7 mamaya.

Nakita na kahapon ng Rockets at Warriors kung sino ang naghihintay sa Finals – si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers. Dedesisyunan nila mamaya kung sino ang hahamon.

Naghabol ng hanggang 17 ang Warriors sa first half noong Sabado bago nagliyab sa second half. Kung gugustuhin nilang bumalik sa Finals sa pang-apat na sunod na taon, kailangan nila ng mas maangas na umpisa sa Game 7.

“I guarantee if we start the game out like we did (Game 6) and they jump out to the lead, it’s going to be 10 times harder to make it a game,” giit ni Golden State star Stephen Curry.

Si Kevin Durant, medyo nalito pa kung anong araw ang Game 7.

“I can’t wait ‘til Tuesday,” sambit ni Durant noong Sabado.

“Monday. Please don’t miss a game,” pagtutuwid ni Curry.

Susubukan ng Rockets na bumalik sa Finals sa unang pagkakataon sapul nang manalo ng back-to-back titles noong 1994-95.

Gagawin nila ito na posibleng wala si All-Star guard Chris Paul, kuwestiyonable pa dahil sa strained right hamstring na nagpaliban sa kanya noong Game 6.

“Game 7 at our house, that’s what we’ve worked for the entire regular season for, to get home-court advantage. So we’re going to come out and be ready,” diin ni James Harden, tumabo ng 22 points sa first half noong Sabado pero 10 na lang sa kabuuan ng laro.