Abante Tonite Interactive

Atayde inuna si Maine kesa sa award

553

Kaya pala ‘di nakara-ting si Arjo Atayde sa 3rd Entertainment Editors’ Choice Awards or The EDDYs ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) ay dahil kasama niya ang rumored girlfriend na si Maine Mendoza sa isang fundraising event.

Si Arjo ang nagwaging Best Supporting Actor para sa kanyang pagganap sa “BuyBust”. Ginanap ang awards night sa New Frontier Theater last Sunday.
That Sunday afternoon ay nag-post si Maine sa kanyang Instagram Story ng larawan nila ni Arjo na magkasama sa isang fundraising event na ginanap naman sa Edge of Light Studio sa Quezon City.

Ang nasabing fundrai-sing event tagged as Shop Bid Donate 4 ay isang auction and garage sale ng mga pre-loved items ni Maine. Ito raw ang way ng aktres of giving back dahil ang proceeds nito ay mapupunta sa mga less-fortunate elderly and children.

Tila kasama sa team si Arjo na tumulong kay Maine dahil sa caption ng aktres ay pinasalamatan niya ang rumored BF.

“Pack up! Thanks to everyone who came and showed support thru purchasing multiple items at #ShopBidDonate4 today! Rest assured proceeds will be used for my ‘happy projects’ to help the less fortunate. Thank you so much!
“Much love from my team who helped me out today,” ang caption ni Maine.

Sa larawan ay makikita ang kanyang team at nasa likod ni Maine si Arjo na naka-hug sa kanya.

Dingdong tinalo sina Piolo, Eddie

Speaking of The EDDYs, double celebration naman para sa PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan ang pagkakapanalo ng dalawa nilang artists na sina Dingdong Dantes at Max Collins.

Si Dingdong ang nagwaging Best Actor para sa “Sid & Aya: Not a Love Story” habang si Max naman ang nag-uwi ng Best Supporting Actress trophy para sa pelikulang “Citizen Jake.”

Tinalo ni Dingdong ang mga kalabang sina Piolo Pascual, Paolo Contis, Daniel Padilla, Christian Bables at ang yumaong si Eddie Garcia.
Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Dong sa kanyang natanggap na award.

“I give back all the glory to you, Lord. Salamat, Eddys, sa pagkilala,” ang post ni Dong.

Proud na proud naman of course si Perry na nag-post din ng kanyang pagbati para sa mga alaga.

“Congratulations to my alaga Max and Dong! You deserve the recognition and i am so proud of you! Thank you Eddys. God is so good,” ang post ni Perry.
Congrats, Dong and Max!

Kris umawra sa Japan

Sa latest IG post ni Kris Aquino ay napansin ng kanyang mga follower na medyo maganda ang hitsura niya ngayon at mukhang okay ang health niya.

Kasalukuyang nasa Japan si Krissy and this time ay hindi niya kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby. Gusto raw niyang mag-relax ng five nights dahil nga pinuna ng mga netizens ang sobrang kapayatan niya.

Sa latest video na in-upload ni Kris habang nasa Tokyo, medyo maaliwalas ang kanyang face at komento nga ng isang netizen ay mukha siyang 20 years younger.

Sagot naman niya, “thank you pero sana hindi pumayat because of a health condition. Will do my best to strengthen my immune system.”

Komento naman ng isa, “ang saya makita ka.na bumubuti.na.ang health mo.miss kris.”

Sinagot naman ito ni Kris ng ‘I believe it’s in your attitude. Pagod na ko to make my autoimmune conditions define & confine me. i’m alive & i’m super grateful.”