Abante Tonite Interactive

Ate Gay nang-harass sa ‘Abantelliling’

645

Riot sa katatawanan ang episode ng online show na Abantelliling ng Abante TNT Live. Tandem pa lang ng dalawang host na sina Dondon Sermino at Rey Pumaloy ay nakakatawa na, idagdag pa ang isang Ate Gay, hilarious talaga! Nakipagharutan din sila sa mga staff ng Abante. Swak na swak talaga ang tandem nila. Maiiyak talaga at sasakit ang tiyan ng mga manonood.

Napakasuwerte ng manonood ng Abantelli­ling dahil nakapanood sila nang libreng show ni Ate Gay, kumbaga, hindi na kailangang dumayo pa sa comedy bar para mapanood lang si Ate Gay.

Game na game nitong ginaya ang iba’t ibang personalidad sa tatak niyang character bilang Nora Aunor.

Patok na patok din ang pag-mashup niya sa iba’t ibang kanta kunsaan siya ngayon nakikilala. Dahil sa galing niya sa pagpapatawa, halos linggo-linggo ay may show siya sa abroad.

Si Ate Gay ay mapapanood sa Klowns at Zirkoh. Upang mapanood ang buong interview, bisitahin lamang ang www.tnt.abante.com.ph.