Abante Tonite Interactive

Ate ni-rape ni bunso sa inuman

1,015

Inaresto ng mga awtoridad ang isang teenager makaraang ireklamo ng ‘sexual abuse’ ng kanyang nakatatandang kapatid na babae sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brig. Gen. Ronnie­ S. Montejo, ang 19-anyos na suspek (‘di-pinangalanan) ay dinampot ng Galas Police Station (PS-11) na pinamumunuan ni Officer-in-Charge Police Maj. Bernardo Pascua Jr., dakong ala-1:30 ng hapon (Disyembre 9), sa Cluster 15 ROTC Hunters, Brgy. Tatalon.

Batay sa pahayag ng 24-anyos na ate ng suspek, nag-iinuman sila kasama ang iba pa nilang mga barkada nitong Disyembre 8, sa Cluster 15 ROTC Hun­ters, at dahil sa naka­raramdam na umano siya ng pagkahilo ay nagpaalam na siya na matutulog.

Nang umuwi ang biktima ay sumunod na rin ang kapatid na teenager at doon ay pinagsamantalahan ang kanyang ate habang mahimbing na natutulog.
Agad namang nagsumbong ang biktima sa kanilang tiyahin na siyang humingi ng saklolo sa mga awtoridad.

Habang inaaresto ang suspek ay nakapkapan pa ito ng apat na sachet ng pinatu­yong dahon ng marijuana. (Dolly Cabreza)