Abante Tonite Interactive

Ate ni Sunshine Cruz naglalagablab  ang ganda ng katawan

By
10,850

Hindi nagkamali si Sunshine Cruz na irekomenda ang kanyang nakatatandang kapatid na si Maricel Cruz sa Century Superbods Ageless 2018.

Finalist ang sister ni Sunshine sa kategorya ng 40 years old pataas. Nagtagumpay si Sunshine na patunayan sa lahat na karapat-dapat ang kanyang ate na maibalandra sa lahat ang maganda nitong pangangatawan sa edad na 49.

Naka-post sa Instagram wall ni Sunshine ang larawan ng kapatid na nakasuot ng red two piece-bikini kahilera ang ibang mga napili para sa contest.

Makikitang hindi halatang magsi-singkuwenta anyos na ang sister ni Sunshine sa hitsura nito.

Ayon sa caption ni Sunshine sa mga larawang pinost nito, pumalo sa top 8 ang kanyang ate sa go-see.

@sunshinecruz718, “Out of more than 300 #superbodsageless aspirants, you made it to the top 8! Yahoo! Congratulations to my beautiful 49 year old Ate @celcruz2008. Proud of you! Now enjoy the journey with the other beautiful ang fit ladies. Congratulations to all finalists. #proudsis.”

Umayon naman ang mga following ni Sunshine sa pagkakapasok ng kanyang ate bilang official candidate ng competition.

Hindi puwedeng i-bash si Sunshine at akusahang ginamit ang pagiging endor­ser ng naturang produkto dahil makikita ang pruweba na may karapatan ang ate niyang maging contestant.

Masungkit kaya ni Maricel ang titulo ng Superbods Ageless 2018?