Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ate Rida umayuda sa kaarawan

0 407

Ibang klase talaga ang dating ‘That’s Entertainment’ member na si Congresswoman Florida “Rida” Robes.

Si Ate Rida ay dating artista ng Regal Films at commercial model. Apat ang nagawa niyang pelikula kasama ang “Starzan” nina Joey de Leon at Rene Requiestas.

Pagbibiro nga niya na marami raw magaganda nu’ng araw kaya hindi na niya tinuloy ang pag-aartista.

Pero enjoy naman siya na napunta siya sa larangan ng politika. Enjoy nga raw siya na nakakatsikahan ang kanyang idol na si Cong. Vilma Santos-Recto.

Samantala , mas minabuti niyang magkaroon ng series of public service events sa kanyang kaarawan bilang sukli sa suporta at tiwala ng kanyang mga kababayan sa San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan.

Nagsimula ang three-day thanksgiving project niya nu’ng June 25 at matatapos sa June 27 sa iba’t ibang SJDM covered courts.

Nu’ng first day ay namudmod sila ng mga gamot, nakipag-meeting si ate Rida sa mga PWDs at nagkaroon ng prayer session. Nag-distribute din sila ng gift packs na binansagan nila ng “Timba Pa More Para sa Taga-Lungsod.”

Lahat sila ay nakasuot ng facemask at pinairal ang social distancing.

Ngayong Biyernes ay nagbigay siya ng financial aid para sa disadvantaged sa ilalim ng “Dagdag Ayuda” program. Nakipag-bonding din siya sa mga lady tricycle drivers na ginanap sa SJDM Sports Complex.

Ngayong Sabado ay bubusugin naman niya ang 59 barangays para sa “Kusina ni Ate Rida” .

“More than being consistent with my role as a public servant, I wanted to spread happiness among San Joseños whose lives have been drastically changed by the pandemic. It’s just a small gesture from me to hopefully assure them that I am working very hard to make sure that each and every person will be taken care of. Like I always say, ‘Nobody will be left behind in SJDM.’ This has made my birthday celebration more meaningful,” deklara niya, (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.