Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ate tigok sa suntok

0 88

Wala ng buhay nang matuklasan ng kanyang mga kamag-anak ang isang dalaga na umano’y may diperensiya sa pag-iisip matapos mapatay sa suntok ng kapatid nitong lalaki sa Valenzuela City.

Alas-5:00 ng umaga nang matagpuan ang labi ni Maricel Lopez, 32, sa loob ng bahay nito sa San Gregorio Street, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod dahil sa mabahong amoy.

Kaagad na tumawag ng pulis ang mga kaanak nito kung saan dinampot ang suspek na si Francisco Lopez, 27, nakababatang kapatid ng biktima.
Sa pagsisiyasat ng Scene on the Crime Operatives (SOCO) , may black eye si Maricel na palatandaang sinuntok ito bukod pa sa mga kalmot sa leeg.
Hinala ng SOCO, posibleng tumama ang ulo ng babae sa semento sanhi ng malakas na suntok.

Posible ring gabi pa nang mangyari ang krimen dahil nangangamoy na ang labi ng biktima.

Nabatid na gabi bago nadiskubre ang bangkay ng biktima, narinig pa ng kanyang mga kaanak ang kalabog sa bahay ang mag-ate at palahaw ng biktima.

Dalawa lang sa bahay ang magkapatid at wala ng mga magulang at asawa.
Nabatid din na nakikitaan minsan si Francisco na wala sa katinuan at madalas saktan ang ate. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.