Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ate Vi, 10 cong sibak sa ABS-CBN vote

0 15,455

Pagkasibak sa kanilang mga puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang parusa laban sa 11 kongresista na bomoto pabor sa pagkakaloob ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

Base sa ulat ng online news site Politiko (politics.com.ph), tatangalan ng puwesto sa Kamara ang 11 mambabatas na sinuway ang mahigpit na kautusan sa kanila ng liderato ng kapulungan na bomoto laban sa franchise renewal ng Kapamilya network.

“The lawmakers have been warned days ahead of the voting that they will lose their committee chairmanships and leadership posts if they vote in favor of ABS-CBN’s franchise application. Since they pushed through with backing the network, they have to face the consequences,” ayon sa source.

Mayroong 70 kongresista ang bomoto pabor sa resolusyon na nagbabasura sa ABS-CBN franchise application matapos ang mga isinagawang pagdinig hinggil dito.

Labing-isang mambabatas naman ang boto sa franchise renewal at kabilang dito sina House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, Laguna Rep. Sol Aragones, Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Zarate, Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, Manila Rep. Edward Vera Perez Maceda, Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr., North Cotabato Rep. Jose `Ping-Ping’ Tejada, Batangas Rep. Lianda Bolilia, Basilan Rep. Mujiv Hataman, at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo.

Una nang iniulat ng Politiko ang banta sa mga mambabatas na mawawalan sila ng mga proyekto at magkakaroon pa ng kalaban pagdating ng halalan sa 2022 at maaaring maharap pa sa harassment kapag sinuportahan ang franchise application ng ABS-CBN.

May ulat pa na nagkaroon ng pressure mula kay Davao City Rep. Paolo Duterte at Iglesia Ni Cristo (INC) sa mga mambabatas para siguraduhing mananatiling sarado ang ABS-CBN.

Leave A Reply

Your email address will not be published.