Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ate Vi apektado sa dami ng walang trabaho

0 567

Aminado si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto na naging emosyonal siya sa isyu ng pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN.

Subalit nilinaw niya na hindi ito dahil sa personal na interes kundi sa sitwasyon na kinakaharap ngayon ng bansa na lalala aniya kapag nawalan ng trabaho ang mahigit 11,000 tauhan ng network.

Aniya, alam naman ng lahat ang mga problemang hinaharap ng bansa dahil nariyan ang COVID-19 pandemic, pagsasara ng mga kompanya, pagkawala ng hanapbuhay ng marami at nag-uuwiang mga overseas Filipino worker (OFW).

“Dito ako emotional. And then with the closure of the network, it will be an additional 11,000 employees,” sabi ni Santos-Recto sa panayam sa telebisyon.

Samantala, posibleng matanggal si Santos-Recto bilang deputy speaker dahil sa kanyang pagsuway sa nais ng liderato ng Kamara subalit umaasa pa rin siyang hindi ito mangyayari dahil ang panawagan aniya sa kanila ay iboto ang naayon sa kanilang konsiyensiya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.