Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ate Vi bet buntisin ni Ralph

0 319

KUNG masusunod si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, susundan pa nila ang anak nila ni Batangas Congresswoman at Star for All Seasons Vilma Santos.

Ito ang pabirong sagot ni Recto, nang tanungin siya ni Jon Ibanez sa programang Kumustahan at Kwentuhan sa Politiko Live, kung bakit hindi nila sinundan si Ryan na ngayon ay 24 na taong gulang na.

“Bakit hindi? Susundan ko na at Malaki na si Ryan,” pabirong sagot ni Recto, na ngayon ay 56 na taong gulang. “Busy lang pero bakit hindi.”

Si Rep. Santos ay may edad na 67 na taong gulang.

SM food to go Banner Ad

May anak si Rep. Santos sa actor at host na si Edu Manzano at ito ay ang sikat na Kapamlya host na si Lucky Manzano.

Nang tanungin kung bakit hindi siya nag-artista dahil sa kanyang itsura at porma, sinabi ni Recto na tam ana ang isang sikat sa kanilang tahanan.

Binati din niya si Rep. Santos sa kanilang nalalapit na ika-35 taong wedding anniversary sa Dec. 11.

Pabiro niyang sinabi na matagal-tagal na ring panahon mula nang sya ay “napikot.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.