Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ate Vi kinampanya ABS-CBN franchise sa mga kabaro

0 1,322

NI: ROLDAN CASTRO

Yes si Representative Vilma Santos na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN 2.

Ayon sa kanyang post sa Instagram:

“Bilang may akda ng House Bill 4305, isa sa mga panukala sa muling pagbigay ng prankisa sa ABS-CBN, ako po ay umaapela sa aking mga kasamahan sa Committee on Legislative Franchises na magkaroon ng malawak na pang-unawa at pag-iisip tungkol sa usaping ito.

“Nawa’y patas na aplikasyon ng batas, at balanseng pagtingin at pagsusuri, ang magiging sandigan natin sa paggawa ng desisyon.

“Narinig natin ang pahayag ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na walang nilabas na batas o regulasyon ang ABS-CBN. Panghawakan din natin and sinabi ni Ginoong Carlo Katigbak, na ‘Patuloy kaming magsusumikap na maging mas mabuting kumpanya…’

“Hindi din natin pwedeng isawalang-bahala ang mahigit na animnapu’t limang taon na serbisyo publiko ng kumpanyang ito. Sakop dito ang pagbibigay ng balita’t inpormasyon, edukasyon pang telebisyon, entertainment o libangan, pag-alaga ng kalikasan, at higit sa lahat, ang pagbibigay tulong sa kapwa, may sakuna man o wala, sa pamamagitan ng Sagip Kapamilya at Bantay Bata.

“Ako po ay isa sa mga naniniwala na karapat-dapat na mabigyan muli ng pagkakataon ang ABS-CBN na ipagpatuloy ang serbisyo sa mamamayang Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya. Kailangan natin ang tulong nila.

“Sana ipagdasal natin na payapang magbukas muli ang ABS-CBN sa pamamagitan ng pag pasa ng panukalang ito.

“Maraming salamat po.”

Pak!

Sagip-Dos dasal ni Vice

Nangangamba si Vice Ganda na maraming magdurusa pag nagsara ang ABS-CBN 2.

Nag-offer ulit siya ng dasal para mabigyan ng bagong franchise ang Kapamilya network.

“Malaking pagdurusa sa araw araw na buhay ng milyon milyong Pilipino pag tuluyang nawala ang ABS CBN. Dito sila umaasa ng karagdagang impormasyon, libangan at serbisyo.Malaking panganib sa lipunan pag mahigit 11,000 pamilya ang naapektuhan ng kawalan ng trabaho.Panginoon nananalangin po kami sa inyo…Sagipin nyo po ang ABS CBN,” mababasa sa kanyang IG.

Magkahiwalay niyang post ay isang video naman na may hashtag na #IbalikAngABSCBN.

Ang kanyang caption ay “Kailangan ng mga mamamayang Pilipino ang ABS CBN. #VoteYesToABSCBN.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.